Noong 4PM kahapon, Nobyembre 01, 2020, ang Department of Health ay nakapagtala ng 2,396 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 17,727 na gumaling at 17 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 7.1% (27,115) ang aktibong kaso, 91.0% (348,760) na ang gumaling, at 1.89% (7,238) ang namatay.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.
@ DOH-PH
#GianTVPages
No comments:
Post a Comment